Friday, February 13, 2026

MAG-UULING, NAHULIHAN NG SHABU SA BOLINAO

Arestado ang isang 48-anyos na mag-uuling matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Bolinao, Pangasinan noong Pebrero 12, 2026.

Pinangunahan ng Bolinao Municipal Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya sa koordinasyon ng PDEA-RO1, kung saan ipinatupad ang search warrant laban sa suspek na residente ng nasabing bayan.

Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 1.09 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱7,412.00, na nakalagay sa anim na maliliit na plastic sachet.

Narekober din ang iba pang ebidensya kabilang ang mga drug paraphernalia, apat na bala ng kalibre .45 na baril, at limang bala ng kalibre .38 revolver.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments