MAG-UUSAP | AFP, makikipagpulong sa DND ukol sa memo order no. 32

97

Makikipagpulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga opisyal ng Department of National Defense (DND) kung paano ipatutupad ang memorandum order no. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng memoranda, dadagdagan ang tropa ng pamahalaan sa Samar, Negros Oriental, Occidental at sa Bicol Region.

Ayon kay AFP spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo – pag-uusapan ang detalye ng memoranda para malaman kung paano ipatutupad ang epektibong deployment.

Suportado rin ng militar ang intensyon ng M.O. na supilin ang lawless violence at acts of terrorism at mapigilan ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng bansa.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments