Manila, Philippines – Bukas si Atty. Rogelio Garcia na makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkakaisa ng PDP-Laban.
Si Garcia ang namuno sa isang national assembly nitong Biyernes kung kailan napili siya bilang Pangulo ng partido sa isinagawang eleksyon noon kapalit din Senador Koko Pimentel
Ayon kay Garcia, makakatulong ang Pangulo para pag-isahin muli at mapagtibay ang PDP-Laban
Matagal na aniya silang gustong makipag-usap kay Pimentel dahil hindi nila gusto ang mga nangyayari sa partido.
Nabatid na si Garcia ay dating kaklase ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments