Manila, Philippines – Makikipagpulong ang consultative committee (con-com) sa economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay Con-com chairperson, dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, paplantsahin at pagkakasunduin na ang fiscal provisions sa draft ng federal charter.
Naniniwala si Puno na ang nakatakdang pulong sa susunod na linggo ay inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang kanilang alinlangan sa economic provisions.
Facebook Comments