Manila, Philippines – Magpupulong ngayong araw ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at mga producer ng teleseryeng “Ang Probinsyano”.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layon ng dayalogo na malinawan ang isyu sa pagpapakita ng teleserye ng negatibong imahe ng mga pulis.
Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na hindi patas ang ipinapakitang panel ng high ranking police officer sa teleserye na bayolente at korap.
Facebook Comments