MAG-UUSAP | DOLE, ipatatawag ang PLDT kaugnay ng regularization ng 8,000 contractual workers nito

Manila, Philippines – Magpapatawag ng meeting ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang Philippine Long Distance Company (PLDT) para talakayin ang isyu ng regularization ng mga manggagawa nito.

Kasunod ito ng mga ulat na tinapos na ng PLDT ang mga service contracts nito sa ilang ahensya para tumalima sa kautusan ng DOLE na gawing regular ang mga contractual workers nito.

Dahil sa termination ng mga kontrata, libu-libong manggagawa ang nasa floating status.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bibigyang linaw nila ang legal implication ng kanilang kautusan.

Matatandaang noong nakaraang taon, ipinag-utos ng DOLE-NCR ang PLDT at mga contractor nito na i-regularize ang nasa 8,000 contractual workers nito at pinagbabayad ng 66 milyong pisong unpaid benefits matapos madiskubreng nagsasagawa ito ng labor-only contracting activities at lumabag sa general labor standards.

Facebook Comments