MAG-UUSAP | Ilang opisyal ng Malacañang, makikipagpulong sa NDFP negotiators

Manila, Philippines – Magsasagawa ng informal meeting ang government peace panel sa mga negosyador ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa susunod na linggo.

Ayon kay Presidential Adviser on Peace Process Secretary Jesus Dureza – mangyayari ang pag-uusap sa Maynila pagbalik niya mula sa pagdalo sa United Nations General Assembly sa New York para pangunahan ang Philippine delegation.

Aniya, inatasan siya at Presidential Spokesperson Salvador Panelo ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipagpulong sa makakaliwa.


Sina NDFP leaders Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni ay nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong buwan bilang miyembro ng joint monitoring committee sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Makikipagkita din ang dalawang NDFP negotiators kay Norweigian Ambassador to the Philippines Bjorn Jahnsen.

Una nang sinabi ng Department of National Defense (DND) na suportado nito ang anumang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at NDFP negotiators.

Facebook Comments