MAG-UUSAP | NDFP, humiling ng pulong kay PRRD

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na humiling ng pulong ang mga peace negotiator ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.

Ayon sa Pangulo, ayaw niyang isekreto ang hiling ng NDFP peace panel chairman Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni, senior adviser ng NDFP.

Sabi naman ng Pangulo na aarestuhin ang mga ito oras na bumalik ng Pilipinas kaya pinulong na niya ang militar.


Pagtitiyak ng Pangulo, iaanunsyo niya kung matutuloy ang kanilang pulong sa pagbalik niya galing sa ASEAN Summit sa Singapore.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments