Manila, Philippines – Mangyayari na ngayong araw ang pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, Davao Archbishop Romulo Valles.
Una nang inanunsyo ng Malacañang, na sa palasyo magkikita sina Duterte at Valles
Ang nakatakdang pulong ng dalawa ay resulta ng naunang meeting sa pagitan ng komite na binuo ni Duterte kung saan kabilang si Presidential Spokesman Harry Roque at ni Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia.
Magkaibigan sina Duterte at Valles lalo at parehas sila taga-Davao City.
Pero ayon sa source mula sa CBCP, maaring maudlot ito dahil sa nagpapatuloy na plenary assembly ng mga obispo*.*
Ang CBCP assembly ay nagsimula nitong July 7 at magtatapos ngayong araw, July 9 kung saan tinatalakay dito ang iba’t-ibang usapin ng bansa.
Kabilang sa mga posibleng tinalakay ay ang isyu ng missionary visa at ang mga insidente ng pagpatay sa mga pari.
Inaasahang maglalabas ng pastoral letter ang CBCP pagkatapos ng kanilang three-day gathering.