Manila, Philippines – Lilipad patungong Malaysia sa weekend si Pangulong Rodrigo Duterte para makipagpulong kay Prime Minister Mahathir Bin Mohamad.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina Duterte at Mahathir para pag-usapan ang tungkol sa insurgency at ISIS.
Papanuorin din ng Pangulo ang boxing match ni Senador Manny Pacquiao laban sa Argentine Professional Boxer na si Lucas Matthysse na gaganapin din sa Malaysia sa Linggo, July 15.
Ito na ang ikalawang termino ni Mahathir bilang punong ministro ng Malaysia.
Facebook Comments