MAG-UUSAP | PhilHealth at PHAPI, magpupulong ngayong araw

Manila, Philippines – Magpupulong ngayong araw ang PhilHealth at Private Hospital Association of the Philippine Incorporated (PHAPI).

Ito ay kaugnay ng pagkakautang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.

Ayon kay PHAPI President Rustico Jimenez, ang ilang pribadong ospital na kasi ang napipilitang magsara dahil sa hindi nababayarang utang ng PhilHealth.


Aniya, hindi pa umaabot sa kalahati ng pagkakautang ng PhilHealth ang nababayaran nito.

Facebook Comments