Davao City – Makakausap ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Idun Tvedt, ang Norwegian Special Envoy to the Peace Process sa pagitan ng Gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Sa official schedule ni Pangulong Duterte ay magkakaroon ng courtesy call si Idun sa Panacan sa Davao City kung saan inaasahan na matatalakay ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo kung saan sinabi ng Pangulo na malabo nang matuloy dahil sa kawalan ng sinseridad ng CPP-NPA na makipagkasundo.
Bukod kay Tvedt ay magkakaroon din ng courtesy call si Republic of Palau President Thomas Ramengesau sa Panacan sa Davao City at ito ay gagawin pasado 7:00 ng gabi mamayang gabi.
Huling Schedule ni Pangulong Duterte ngayong araw ay ang Pulong ni Pangulong Duterte kay Dr. Pinky Ancog ng Philippine Dental Associaltion – Davao City Chapter.