Amerika – Magpupulong ang mga opisyal ng South Korea at Estados Unidos.
Ito ay para i-ulat ng dalawang South Korean officials ang resulta ng kanilang pulong sa North Korea.
Dumating na sa Amerika sina South Korean National Security Force Chief Chung-Eui-Yong at National Intelligence Service Chief Suh Hoon para pangunahan ang magiging pulong kay US National Security Adviser H.R. Mcmaster.
Posibleng ding makausap ng dalawa sina US President Donald Trump at Vice President Mike Pence.
Matatandaang malugod na tinanggap ni North Korea Lider Kim Jong Un ang mga opisyal ng South Korea para pag-usapan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Korean Peninsula.
Facebook Comments