MAG-UUSAP | Summit sa pagitan nina US President Trump at Russian President Vladimir Putin, kasado na

Nagkasundo ang Estados Unidos at Russia na magsagawa sa lalong madaling panahon ng pulong sa pagitan nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Ayon kay Kremlin Foreign Policy Aide Yuri Ushakov, gaganapin ang summit sa isang mutual convenient third country at ilang linggo ang kinakailangang preparasyon.

Posibleng i-anunsyo ngayong araw ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang summit.


Layunin ng summit na patatagin ang relasyon ng dalawang bansa at pagtataguyod ng international security.

Facebook Comments