Manila, Philippines – Makikipagpulong ngayong araw sa ilang cabinet secretaries si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat para pag-usapan ang mga isyu ng transportasyon, imprastraktura at immigration.
Nabatid na Target ng DOT ang pitong milyong tourist arrivals ngayong taon.
Ayon kay Puyat, layunin nito ang sustainable at inclusive growth sa tourism industry at sa ekonomiya mismo ng bansa.
Makakasama ni Puyat sa pulong si Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, Justice Secretary Menardo Guevarra at Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Facebook Comments