Manila, Philippines – Tinatanggap na ng ticket machines ng MRT at LRT ang mga bagong design na barya.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), mababasa at kinikilala na ng machines ang mga bagong disenyong barya na inisyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Inabot ng tatlong buwan ang proseso ng recalibration ng kumpanyang AF Payments, Inc. na naka-base sa Manchester, United Kingdom kung saan sumailalim pa sa firmware development at serye ng software testing ang mga machines.
Paalala ng DOTr na maaring bumili ang mga pasahero ng MRT at LRT 1 and 2 ng single-journey tickets at beep cards sa mga teller sa kahit anong istasyon upang maging mas madali ang kanilang pagbiyahe sa mga tren.
Facebook Comments