MAGAGAMIT NA | Water treatment plant ng Manila Water sa Cardona, Rizal, malapit nang magamit

Rizal – Bago matapos ang taon, inaasahang magagamit na ang water treatment plant ng Manila Water sa Cardona, Rizal.

Ang tubig na idadaan sa nasabing treatment facility ay magmumula sa Laguna de bay.

Ayon kay Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla – Solusyon ito sa patuloy na pagtaas ng demand ng tubig sa mga lugar na kanilang sineserbisyuhan.


Nasa 6.8 milyong residente kasi sa east zone ang nakaasa sa angat dam na tanging pinagmumulan ng tubig ng La Mesa dam.

Nabatid na nasa critical level ngayon ang tubig sa La Mesa dam bunsod ng napakainit na panahon kaya hininaan muna nila ang suplay sa Marikina at sa San Mateo at Rodriguez, Rizal.

Facebook Comments