Magalong, nadismaya sa mahinang contact tracing

Hindi na naitago ni Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong ang kaniyang pagkadismaya sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Giit ni Magalong, mahina ang contact tracing efforts at napapabayaan.

Para kay Magalong, nasa 37 contacts dapat natutunton kada positive case sa urban setting.


Kaugnay nito, humihiling ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kongreso ng 5 bilyong piso para sa hiring ng karagdagang 50,000 contact tracers.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, aabot lamang sa higit 85,000 ang contact tracers sa bansa.

Kailangang maabot ang 135,000 contact tracers para maisulong ang mabilis at mahusay na tracing sa close contacts ng mga confirmed COVID-19 patients.

Sa 50,000 contact tracers na iha-hire, nasa 20,000 ang ide-deploy sa Luzon, 15,000 sa Visayas at 15,000 sa Mindanao batay sa populasyon ng mga rehiyon at bilang ng contact tracers na kasalukuyang nasa lugar.

Facebook Comments