Mariing tinutulan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pahayag ng isang presidential candidate laban kay Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na tinawag na maraming salita ngunit kulang sa gawa.
“I am saddened by VP Leni’s remark on Sen. Lacson when she said ‘Maraming salita pero kulang sa on the ground na gawa,’” sabi ni Magalong na tinutukoy si Vice President Leni Robredo, sa pahayag na ipinadala sa partido ni Lacson nitong Miyerkules.
Sinabi rin ng alkalde ang kanyang personal na karanasan kasama ni Lacson sa ilalim ng kanyang pamumuno sa Philippine National Police (PNP). “He is a true leader who leads up front and not from the rear,” aniya.
“During anti-KFR (kidnap-for-ransom) and anti-drug operations, he exposed himself to danger in many circumstances just to make his presence felt by the operating troops,” ayon pa kay Magalong na nagsilbi rin bilang pulis bago sumabak sa politika bilang alkalde.
“When I was in SAF leading my men in several high-risk operations against the communist terrorists and Abu Sayyaf, he discreetly visits us in the field to show his concern over the safety and welfare of his men,” lahad ni Magalong na dating PNP Special Action Force commander ni Lacson.
Ayon kay Magalong, sa loob lamang ng ilang araw ay mabilis na naipadala ni Lacson ang mga pangunahing kailangan para sa kanilang operasyon.
“When my men are critically wounded, he made sure that they were brought to the best hospitals in the country like St. Luke’s, Makati Med, and the Chinese General Hospital,” sabi ni Magalong.
Ginawa ito ni Lacson nang walang publisidad sa media, kaya giit ni Magalong “Truly a mark of an authentic leader” ang taglay niyang katangian.
Inilabas ni Magalong ang pahayag na ito kasunod ng paglalahad ni dating Antipolo Rep. Romeo Acop ng kanyang paghanga kay Lacson dahil sa tahimik na pagsisilbi sa bayan nang walang credit-grabbing o pag-epal.
Isiniwalat ni Acop na katulad ni Magalong ay nagsilbi sa PNP sa ilalim ni Lacson, ang pagtulong ng Partido Reporma chairman sa mga pamilya ng SAF 44—ang mga pulis na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao kaugnay ng operasyon laban sa mga terorista noong Enero 25, 2015.
Tumatakbo si Lacson sa pagkapangulo kasama ng running mate niyang si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III dala ang mga plataporma na “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at “Uubusin ang Magnanakaw.”