Inaasahan ng Department of Finance na gaganda na ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, posible kasing pumalo sa 7% ang growth rate ng bansa sa 2023.
Dagdag pa ni Diokno na positibo sila sa pagbilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga pangambang pagbagsak ng ekonomiya ng ibang bansa at maging ng recession.
Natapos na rin aniya ang hindi magandang kondisyon ng ekonomiya ng bansa at inaasahang mahihigitan ng Pilipinas ang target expectations sa ekonomiya ngayong taon.
Samantala, sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng pumalo sa 7.8% hanggang 8.6% ang inflation rate ngayong December dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente, produktong pang agrikultura at LPG.
Facebook Comments