Magandang epekto ng pinaigting na pagbabakuna kontra COVID 19, unti-unti nang nararamdaman ng PNP

Unti-unting nararamdaman ng Philippine National Police (PNP) ang epekto ng pinaigting na pagbabakuna kontra COVID-19.

Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong Huwebes, Nobyembre 11, nakapagtala na lamang sila ng anim na bagong kaso ng Coronavirus na ikalawa sa pinakamababa ngayong linggo.

Umabot naman sa 42,053 ang mga dinapuan ng virus habang 41,684 ang mga gumaling kasunod ng 23 new recoveries.


Walang bagong nasawi kaya nananatili sa 125 ang death toll sa PNP.

Samantala, 244 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pulisya, mababa ito kung ikukumpara sa 261 kahapon.

Facebook Comments