Nagpapatuloy ang pagsisikap ng Maguindanao Provincial Hospital na makapagbigay ng magandang serbisyo hindi lamang para sa mga taga lalawigan kundi maging sa mga kalapit lalawigan at bayan sa Central Mindanao.
Kanina , inilunsad ang Quality Policy Statement ng MPH para sa ISO -9001 2015 Certification na naglalayong ipakita ang commitment ng lahat ng mga empleyado ng MPH sa pangunguna ni Dr. Tahir Sulaik na makapagdeliver ng highest quality health care services sa lahat .
Matatandaang nagsimula lamang ang hospital na mayroon lamang 50 capacity beds at 12 man power sa bahagi ng Shariif Aguak noong dekada 60 at may kakarampot lamang ng budget at nagsisilbi para sa 36 na munisipyo ng lalawigan ngunit nagawang mapalaki at madevelop at sinasabing tanging hospital sa buong rehiyon na nasa Level 2 with Tertiary Level Capacity sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Sulaik.
Sa ngayon, may Hemodialysis Center , Heart Center, Eye Center at Fully Aircondition na Emergency Room na ang Provincial Hospital.
Mariin ring ipinapatupad sa Provincial Hospital ang “No Balance Billing” sa lahat ng mga pasyente katuwang ang PhilHealth at DSWD.
Magandang Health Services alay ng Maguindanao Provincial Hospital sa lahat- Dr. Tahir Sulaik
Facebook Comments