Nagsisimula nang maramdaman ang magandang epekto ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law (RTL).
Sa ikalawang taong pagpapatupade ng Republic Act 11203 o RTL, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na nakikita ang potensyal ng rice sector ng bansa.
Ang produksyon ng palay at farmgate prices ay tumaas ngayong dry season.
Resulta ito ng mas murang bigas para sa mga mamimili sa harap ng COVID-19 crisis.
Napanatili ang mga inisyatibo at matibay na kooperasyon sa iba’t ibang industry stakeholders, at umaasa silang maaabot ang all-time record na nasa 20.4 million metric tons ng palay ngayong taon.
Sinabi pa ni Dar, ang bigas na itinuturing na staple food ng mga Pilipino ay hindi na ang “traditional driver” ng inflation.
Sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) nagkaroon ng mechanization ng local farming process at nagbigay sa mga magsasaka ng magandang kalidad ng mga binhi.
Para sa kasalukuyang dry season, ang DA sa pamamagitan ng Philippine Integrated Rice Program projects ay mayroong projection kung saan ang palay production ay aabot sa 10 million metric tons, na inaasahang i-e-extend para sa susunod na main cropping o wet season.