Dadalhin ng Commission on Higher Education (CHED) ang magandang kalidad na edukasyon sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Nakipag-partner na ang CHED sa mga nangungunang unibersidad at nakipag-ugnayan sa BARMM Transition Authority para maipatupad ito.
Ang kasunduan ay naisapinal na sa isang pulong nina CHED Chairman Prospero De Vera III at BARMM Minister of Education Mohagher Iqbal sa Davao City kahapon.
Sa ilalim ng kasunduan, ang CHED at ang top Philippine universities ay magbibigay ng technical assistance sa BARMM at ang mga colleges and universities sa ilalim ng kanilang jurisdiction.
Imo-mobilize din ng CHED ang mga sumusunod na unibersidad upang magbigay ng technical assistance sa BARMM:
– Mindanao State University – Iligan Institute of Technology para sa engineering at technology
– Mindanao State University – Naawan para fisheries
– University of Philippines – Los Baños College of Public Affairs and Development para sa governance, project development at monitoring
– UPLB College of Agriculture, Central Mindanao University at University of Southeastern Philippines para sa agriculture
– University of the Philippines – Manila College of Public Health para sa community health care delivery systems
– University of the Philippines – Diliman School of Urban at Regional Planning at UP Resilience Institute para sa teknikal na tulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagpaplano at pag-unlad
– Ateneo de Davao para sa patuloy na adult education