
Hiling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang maayos na kalusugan at sapat na kabuhayan para sa lahat ng Pilipino ngayong Pasko at sa papasok na taong 2026.
Ayon sa Pangulo, ang mabuting kalusugan ang nagsisilbing pundasyon ng matitibay na pamilya, produktibong mamamayan, at isang matatag na bansa.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng bansa noong 2025, may mga tagumpay at biyayang dapat kilalanin at ipagpasalamat—lalo na ang kakayahan ng mga Pilipino na manatiling matatag sa gitna ng mga hamon.
Bukod sa kalusugan at kaunlaran, hiniling din ng Pangulo na manatiling buo at matibay ang samahan ng mga pamilya at magkakaibigan, na aniya’y nagsisilbing sandigan ng bawat Pilipino sa oras ng pagsubok.
Facebook Comments









