Magandang kalusugan hiling ng AFP at PNP sa kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Wish ng hanay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National  Police sa kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang kalusugan.

 

Sa Mensahe ni  PNP Chief Police General Oscar Albayalde  para sa  pangulo  tiniyak nito ang suporta ng buong hanay ng PNP sa lahat ng adbokasiya at programa ng pangulo para sa paglaban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.

 

Habang sinabi ni AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo na bukod sa magandang kalusugan hiling rin nila para sa pangulo na patuloy na magkaroon ng wisdom o katalinuhan upang mas lalo pang magampanan ang malalaking hamon na hinaharap nito sa ilalim ng kanyang  administrasyon.


 

Nagpasalamat rin ang AFP sa suporta  na ibinigay sa kanila, anila hindi lamang nagsisilbing presidente o Commander In Chief ng AFP ang Pangulo sa halip ikinokonsidera  aniya nila itong Ama ng bawat miyembro ng militar.

 

Tiniyak pa ng AFP na patuloy silang susuporta sa pangulo.

Facebook Comments