Magandang kalusugan, hiling ni VP Robredo sa kaarawan ni Pangulong Duterte

Hiling ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng mabuting kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang wish ng Bise Presidente kasabay ng pagdiriwang ng ika-76 na taong kaarawan ng Pangulo kahapon, March 28.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, binati ni Robredo ng maligayang kaarawan si Pangulong Duterte.


Bukod sa magandang kalusugan, hiling din ni Robredo na bigyan ng gabay at karunungan ang Pangulo lalo na sa pagdedesisyon para sa bansa.

Si Pangulong Duterte ay isa sa pinakamatandang presidenteng nagsilbi sa bansa at ipinagdiwang niya ang kaniyang kaarawan sa kanyang tahanan sa Davao City.

Inaasahang babalik ang Pangulo sa Manila ngayong araw, March 28 para sa pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan mula sa China.

Una nang sinabi ng Malacañang na ang hiling ni Pangulong Duterte sa kanyang kaarawan ay matapos na ang pandemya.

Facebook Comments