MAGANDANG OPORTUNIDAD? | Dating Health Sec. Janette Garin, tiniyak na haharap siya sa Commission on Elections

Manila, Philippines – Tiniyak ni dating Health Secretary Janet Garin na haharap siya sa Commission on Elections sa March 15 para bigyang linaw ang kontrobersya sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Garin, magandang oportunidad ito para mapatunayan na walang halong pulitika ang pagpapatupad ng anti-dengue vaccine na sinimulan noong April 4, 2016 para sa mahigit walong daan libong kabataan na naturukan.

Una nang ipinatawag ng COMELEC sina Garin kasama sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Florencio Abad para busisiin kung lumabag sa omnibus election code dahil ipinatupad ang programa apatnaput limang araw bago ang eleksyon noong Mayo 2016.


Sa batas sa Pilipinas, bawal nang magpatupad ng mga programa ang gobyerno kapag umiiral na ang election ban.

Facebook Comments