MAGANDANG PAGKAKATAON? | Pagdinig ng senado kaugnay sa frigate acquisition project ngayong araw, pabor sa Defense Department

Manila, Philippines – Isang magandang pagkakataon para sa Department of National Defense na matalakay sa pagdinig ng Senado kaugnay sa frigate acquisition project.

Ayon DND Spokeperson Arsenio Andolong mabibigyan sila ng oportunidad na malinaw ang lahat ng isyu.

Partikular na aniya ang umano’y pangingialam ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa kontrata para sa frigate acquisition project na aabot ang halaga aa 18 bilyong piso.


Nanatili pa rin aniya ang stand ang DND ba walang alam si Go sa nasabing kontrata .

Naniniwala si Arsenio na maipapaliwanag ng maayos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kanilang panig kaugnya sa naging kotrobersyal na kontrata.

Lalo’t sa pag-upo aniya ng kalihim ay iniutos nya ang pag-review ng lahat ng proyekto ng DND kabilang na ang pagbili ng frigate.

Facebook Comments