Magandang political relations ng Pilipinas sa ibang bansa, malaki ang naitulong sa ating suplay ng bakuna

Naniniwala si Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na nakadagdag ang tinatawag na diplomatic capital upang maabot nng maganda ng estado ng suplay ng bakuna sa bansa.

Ito ayon kay Galvez ay sa pangunguna na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na namuhunan ng magandang political relations sa ibang mga bansa.

Nagpasalamat naman ang kalihim kay Pangulong Duterte kasabay ng ulat sa pangulo sa mga inaasahan pang mga bakuna sa bansa.


Halimbawa na rito aniya ang Amerika na nag-commit ng panibagong 2 million doses na paparating ngayong linggong ito.

Bukod pa rito ang mga nauna ng dumating na bakuna na donasyon ng Japan at China.

Facebook Comments