
Welcome sa Malacañang ang patuloy na pagsuporta ng mga Pilipino sa mga ginagawa ng Marcos Administration.
Ito’y kasunod ng pinakahuling resulta ng SWS Survey na nagsasaad na 59% ng adult Filipino ay satisfied sa performance ng pamahalaan.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang mga ganitong survey ay tinitignan nila bilang feedback tool upang lalo pang pag-igtingin ang serbisyong ibinibigay sa mga Pilipino.
Partikular na ipinagpapasalamat ng Palasyo ang magandang pananaw ng publiko sa disaster response ng pamahalaan, delivery ng basic education, pagtugon sa kahirapan, at pagbubukas ng mga mga oportunidad.
Sabi ng kalihim, magpapatuloy lamang ang trabaho ng pamahalaan, lalo’t ang tunay na sukatan ng public service ay makikita sa improvement sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino.