Patuloy na palalakasin ng Marcos administration ang relasyon sa mga miyembro ng diplomatic community.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isinagawang Vin d’honneur kagabi sa Malacañang na bahagi ng selebrasyon ng ika 125 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng bansa.
Ayon sa pangulo nanawagan siya sa kanyang mga kasamahan sa gobyerno at mga partner sa pribadong sektor na ipagpatuloy na gawing inspirasyon ang ipinakitang katapangan at determinasyon ng mga bayaning ninuno para mas umangat ang buhay ng bawat Pilipino.
Nangako naman ang pangulo sa harap ng mga miyembro ng diplomatic community na pangungunahan ang bansa para malampasan ang mga pagsubok mula sa naging epekto ng coronavirus pandemic sa ekonomiya ng bansa.
Ang Vin d’honneur ay isang official reception kung saan host ang presidente na ginagawa sa Palasyo ng Malacañang.
Bukosd sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, karaniwan din itong ginagawa tuwing selebrasyon ng New Year’s Day sa bansa.