Magandang resulta ng clinical trials ng anti-parasitic drug na Ivermectin, pakikinabangan ng publiko at manufacturers – DOST

Malaki ang magiging benepisyo sa publiko at drug developers kapag naging maganda ang resulta ng clinical trials ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa asymptomatic at mild cases ng COVID-19.

Ito ang inihayag ng Department of Science and Technology kasunod ng kanilang anunsyo na posibleng gumawa ng sariling Ivermectin capsule ang bansa.

Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina Guevarra, sa oras na lumabas ang resulta ay magagamit ito ng mga drug developers sa pag-aralan ng guidelines para sa tamang paggamit ng nasabing gamot.


Sa ngayon, aabot na sa 75 clinical trials ng Ivermectin ang isinasagawa na sa iba’t ibang bansa.

Facebook Comments