Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na maganda ang resulta ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei Darussalam para dumalo sa ika-50 anibersaryo ng pagiging Sultan ni his excellency Hassanal Bolkiah.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiparating ni Pangulong Duterte kay Sultan Bolkiah ang pagbati at pagtiak ng pagpapatibay pa ng bilateral relations ng Pilipinas at Brunei.
Naging magandang pagkakataon din aniya ito para kay Pangulong Duterte na pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinas sa iba pang bansa sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga lider nito.
Sinabi ni Abella na kabilang sa mga nakausap ng Pangulo sa nasabing selebrasyon ay Cambodia Prime Minister Hun Seen, Indonesian President Joko Wododo, at Malaysia Prime Minister Abdul Najib Razak.
Umaasa din naman aniya si Pangulong Duterte na dahil sa pulong na ito ay magiging mas maganda pa ang relasyon ng Pilipinas at Brunei.