Mas pinipili ng mga Pilipino ngayon na magtrabaho sa mga kumpanyang nag-aalok ng magandang sahod, work development opportunities at flexible hours.
Ito ang lumabas sa “laws of attraction” study ng online job search site na jobstreet.com
Ayon kay jobStreet country manager Philip Gioca – ang data ito para sa mga hirers o tumatanggap ng mga empleyado upang tulungan silang mag-attract ng mga mahuhusay na aplikante sa labor market.
Base sa pag-aaral, 16.8% ng mga respondents ang nagsabing sahod ang una nilang ikinukunsidera sa pagpili ng trabaho, kasunod ang career/development opportunities (14.2%) at work-life balance (11.7%).
Ang iba pang top considerations ay job security; management/leadership style; additional benefits; company reputation; corporate social responsibility; culture of the organization; colleagues/co-workers; working environment; recruitment process at size of company/market position.
Isinagawa ang pag-aaral mula January 18 hanggang March 4 sa 18,378 respondents na active jobseekers.