Manila, Philippines – Record-breaking ang naitalang 1.4 milyong tourist arrivals sa nakalipas na unang dalawang buwan ngayong taon na kauna-unahan sa kasaysayan.
Ayon kay DOT Secretary Wanda Teo – isa itong magandang senyales para sa tourism industry ng bansa.
Sa datus ng DOT – umabot sa 673, 831 ang bilang ng mga turistang dumating sa Pilipinas sa buwan ng Pebrero, mas mataas sa 579,178 na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Malaki ang naiambag ng mga Chinese tourists sa bilang na 21.6 percent ng kabuuang bilang o 145, 536.
Sa loob ng unang dalawang buwan, nananatili sa top spot ang mga Koreano na may 354,700 na bilang ng arrivals, sinundan ng mga Chinese tourists na may 256,880 at ang ‘most improved’ sa lahat.
Pumangatlo ang mga Amerikano, ikaapat ang mga hapon habang ikalima naman ang mga Australians.
Sa kabuuan, pumalo na sa 1,406,337 ang bilang ng mga international visitors sa January to February period na mas mataas ng 16.15 porsyento sa 1,210,817 na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.