Hindi tatratuhin ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paraang ginawa sa kanya sakaling tumakbo siya at nanalo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ito ang sinabi ni Robredo sakaling nagpasya si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa 2022 elections.
Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na kapag siya ay naging pangulo ay bibigyan niya ng Cabinet post si Duterte kapag nahalal siya bilang bise presidente.
Matatandaang itinalaga noon si Robredo bilang housing czar ni Pangulong Duterte pero nagtagal lamang ito ng limang buwan matapos siyang magbitiw sa pwesto.
Pagkatapos nito, itinalaga naman si Robredo bilang co-chairpeson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs noong November 2019 pero tinanggal siya sa pwesto pagkatapos ng 19 na araw.