MAGANDANG UGNAYAN | Saudi Arabia government, nangakong kikilalanin ang karapatang pantao ng mga OFW

Manila, Philippines – Mananatiling magkaalyado ang Pilipinas at Saudi
Arabia.

Kasunod ito ng pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Saudi Prince
Abdulaziz Bin Saud Bin Naif, kahapon.

Sa interview ng RMN Manila kay Labor Secretary Silvestre Bello III,
kinikilala ng Saudi government ang karapatan ng mga Pilipinong na
nagtatrabaho sa kanilang bansa.


Samantala, sinabi naman ni Bello, pirma na lang ang kulang sa binuong
Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na
layong magbigay proteksyon sa mga OFWs sa nasabing bansa.

Kaugnay nito, handa anya si Pangulong Duterte na pumunta sa Kuwait sakaling
si Emir Sheikh Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah ang lalagda ng kasunduan.

Pero, paglilinaw ng kalihim, hindi pa ito hudyat para alisin ang deployment
ban sa Kuwait dahil hinihintay pa ng Pilipinas ang hustisya sa sinapit ng
kababayan nating si Joanna Demafelis.

<#m_795650522638853759_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments