MAGARBONG CHRISTMAS PARTY | Sandra Cam, sinigawan daw ni GM Balutan

Manila, Philippines – Dismayado si PCSO Board Director Sandra Cam sa ginawang pagsigaw sa kanya ni GM Alexander Balutan dahil lamang sa kinukwestiyon nito ang maluhong Christmas party ng PCSO.

Sa ginanap ng presscon sa Manila, inihayag ni Cam na nakakuha siya ng kopya mula sa COA na hindi pwedeng gamitin o bawasan ang charity fund ng PCSO.
Taliwas sa ipinaliwanag sa kanya ni PCSO Chairman Alfred Corpus na above Board umano ang charity fund ng PCSO at nilinaw nito na hindi siya nakikipag-away sa PCSO dahil ang nais lamang ni Cam ay dapat ibigay sa mga mahihirap ang pondo ng PCSO.

Giit ni Cam, na tatalima lamang siya kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsabi na ayusin na ang bangayan nila ni Balutan sa usapin ng maluhong Christmas party ng PCSO.


Facebook Comments