
Cauayan City – Naglabas ng abiso ang NIA-MARIIS na posibleng bahagyang buksan ang isang (1) gate ng Magat Dam ngayong araw, Hulyo 18, 2025, ganap na 9:00 ng umaga, bilang paghahanda sa inaasahang pag-uulan na dulot ng Tropical Depression Crising.
Ito ay bahagi ng pre-emptive release o maagang pagpapakawala ng tubig upang maiwasan ang biglaang pag-apaw ng dam kung sakaling lumakas pa ang ulan sa mga susunod na oras o araw.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar at sa kahabaan ng ilog na maging alerto at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Facebook Comments









