Nakatakda ngayong umaga na magpakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela.
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda, isang gate ng Magat Dam ang bubuksan ng isang metro simula ng alas-otso ng umaga.
Pinakikiusapan ni Antiporda ang publiko na iwasan ang pagtawid, pamamalagi at pagpapastol ng mga alagang hayop sa ilog o sa paligid nito para makaiwas sa anumang sakuna dulot ng maaaring pag-antas ng lebel ng tubig sa ating mga ilog.
Ang Magat Dam ay isa sa pinakamalaking dam na matatagpuan sa Pilipinas.
Facebook Comments