Magat Dam, magpapakawala ng tubig

Magpapakawala bukas ang Magat Dam ng tubig.

Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain, alas-6:00 ng umaga ay magbubukas ng isang gate ang Magat Dam.

Isang metro ang opening ng isang gate ng Magat Dam kung saan nasa 200 cubic meter per second ang pakakawalang tubig.


Ito ay bilang paghahanda umano ng Magat Dam sa posibleng dalang ulan na ibabagsak ng Bagyong Bising sa Northern Luzon.

Facebook Comments