MAGAT DAM, MULING NAGPAKAWALA NG TUBIG

Tuluyan nang nagbukas ng isang spillway gate open ang National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System kahapon, ika-29 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa abisong inilabas ng NIA-MARIIS, may taas na isang metro ang tubig na inilalabas ng Magat Dam at may daming 164cms.

Dahil dito, inaasahang bahagyang tataas ang lebel ng tubig sa mga ilog at posibleng maaapektuhan ang ilang lugar sa Isabela na kinabibilangan ng Burgos, Naguillian, Gamu, Reina Mercedes, Cabatuan, Luna, Ramon, San Mateo, Aurora maging ang probinsya ng Ifugao.


Inaabisuhan ng ahensya ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog na maging handa sa paglikas sakali mang tuluyan pang tumaas ang lebel ng tubig.

Facebook Comments