Cauayan City – Nakatakdang magbukas ng isang spillway gate ang pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) MARIIS – Dam and Reservoir ngayong araw, ika-27 ng Disyembre, alas-12 ng tanghali.
Sa abisong inilabas, nasa 181cms ang pakakawalang tubig, at maaari pa itong magbago depende sa ulan na ibabagsak sa watershed.
Isasagawa ang aktibidad upang matiyak na nasa ligtas na sukat ang dam dala ng patuloy na pag-ulan sanhi ng Amihan.
Pinayuhan din ng pamunuan ang mga residenteng malapit sa dam at sa mga ilog na magtungo sa ligtas na lugar upang makaiwas sa anumang trahedya.
Facebook Comments