MAGBABAKASYON | Dating Senador Jinggoy Estrada, pinayagan ng Sandiganbayan na makabiyahe papuntang Hong Kong

Manila, Philippines – Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Senador Jinggoy Estrada na makabiyahe patungong Hong Kong.

Babiyahe si Estrada sa Hong Kong sa December 26 hanggang 31 kasama ang kanyang pamilya.

Pangako raw ito ng dating Senador sa kanyang pamilya matapos na makapagpiyansa sa kasong plunder.


Ito na ang ikalawang beses na pinayagan siyang makalabas ng bansa sa loob ng dalawang buwan.

Noong nakaraang buwan nang naglagak ng P2.6 Million na travel bond sa Sandiganbayan si Estrada matapos siyang payagan na samahan ang amang si Manila Mayor Joseph Estrada na magpa-checkup sa Singapore.

Sa January 8, 2018 ang sunod na hearing ng anti-graft court sa plunder case ni E­strada.

Facebook Comments