Pinayuhan ng Palasyo ng Malacañang si UP Institute for Maritime Affairs & Law of the Sea Director Dr. Jay Batongbacal na magbasa ng mga desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa South China sea issue bago magsalita.
Binabanatan kasi ni Batongbacal ang administrasyon sa pagpayag sa joint exploration ng pilipinas at China sa south china sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, marahil ay hindi nabasa ni Batongbacal ang malinaw na nakasaad sa saligang batas na pinapayagan nito ang joint exploration basta sumusunod ito sa isang kontrata na nilagdaan ng Presidente at isusumite sa Kongreso.
Sinabi ni Roque na napag desisyunan at pinaboran narin ito ng Korte Suprema at si dating Chief Justice Artemio Panganiban pa ang nagsulat ng desisyon at kung ipipilit ni Batongbacal ay mas magandang maghantay nalang ito ng susunod na desisyon ng hukuman.
Kaya naman pinayuhan nalang ni Roque si Batongbacal na magbasa-basa ng desisyon ng Korte Suprema bago magsabi ng kanyang opinyon.