Magbayaw at isang Estudyante, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

62

Cauayan City, Isabela- Timbog ang 3 tatlong katao kabilang ang isang estudyante sa ikinasang drug buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar ng Isabela at Cagayan kahapon, December 4,2020.

Kinilala ang suspek na si Jasper Val Pasicolan, 25-anyos, binate at residente ng Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.


Dinakip ang binate ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO II Regional Special Enforcement Team (RSET) sa isang hotel pasado alas-4:00 ng hapon.

Nakumpiska sa pag-iiingat nito ang isang (1) gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P6,500 kasama rin ang pagkumpiska sa kanyang cellphone na posibleng ginagamit sa transaksyon.

Samantala, nadakip din ang magbayaw sa pagbebenta rin ng iligal na droga sa Brgy. Ambatali, Ramon, Isabela.

Kinilala ang dalawa na sina BJ Elimar Clemente, 32-anyos, may-asawa at Julius Apaan, 38-anyos na kapwa residente ng Bugallon Norte sa nasabing bayan.



Naaktuhan ang dalawang suspek na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang ahente ng PDEA na umakto bilang poseur buyer.


Nakumpiska sa kanila ang walong (8) plastic na naglalaman ng shabu.

Nabatid na si Clemente ay kabilang sa PDEA Municipal Targetlisted Personalities.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments