Magbayaw na sina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manse Carpio, tumangging pumirma sa bank secrecy waiver

Manila, Philippines – Tumanggi sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at ang kanyang bayaw na si Atty. Manases “Mans” Carpio na pirmahan ang waiver sa Bank Secrecy Law.

Ito ang naging hamon sa kanila ni Senator Sonny Trillanes sa kanilang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay 6.4-billion pesos shabu shipment.

Nais kasing patunayan ni Trillanes na mayroong mahigit sa isang daang milyong piso sa bank accounts nina Polong at Mans.


Ayon kay carpio, hindi niya alam kung magkano ang laman ng kanyang account habang si Trillanes, nanindigan na aabot sa 121 million pesos ang pera ng manugang ng pangulo sa bangko.

Facebook Comments