Magbibigay ng libreng pagsasanay sa mga OFWs na nawalan ng trabaho sa ibang bansa

Magbibigay ng libreng pagsasanay ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho.

 

Ito ang tiniyak ni TESDA Director General Isidro Lapeña sa kanyang pagbisita sa mga distressed OFW na nasa POLO shelter sa Dubai.

 

Ayon kay Lapeña, Layon nitong matulungan ang mga OFWs na nawalan ng trabaho na makabalik sa kanilang mga pinagtatrabahuhang kumpanya sa ibang bansa.


 

Noong nakaraang taon lumagda sa Memorandum of Agreement ang TESDA, counterpart nito sa UAE at National Qualification Authority (NQA) para bumuo ng isang joint committee na syang tututok sa pagproseso at pagkilala sa tesda certification.

 

Kasunod nito umaasa ang kalihim na mapapalakas pa ang ugnayan ng TESDA at counterpart nito sa UAE para makatulong sa mga mangagawang Pilipino.

Facebook Comments