MAGBIBITIW? | Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, posibleng mag retiro ng maaga kapag nailuklok sa Ombudsman

125

Manila, Philippines – Posibleng mapaaga ang pag reretiro sa Korte Suprema ni Associate Justice Samuel Martires

Ayon kay Martires, ito ay sakaling siya ang mahirang na susunod na Ombudsman kapalit ng mag reretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Kasama si Justice Martires sa mga aplikante sa mababakanteng pwesto sa Ombudsman sa July 26.

Si Martires ay Nakatakdang mag retiro sa January 2, 2019 sa edad na pitumpu na mandatory retirement age ng mga mahistrado.

Si Justice Martires ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema noong March 2, 2017.

Kabilang si Martires sa mga bumoto pabor sa Quo warranto case laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Facebook Comments